Nung Bata Pa Ko Ang Sabi Ko Sa Sarili Ko, “Magiging Scientist Ako!”…

Nung bata pa ko ang sabi ko sa sarili ko: magiging scientist ako. Haha! Ewan ko ba, pero simula pagkabata tuwang tuwa na ko sa mga kakaibang experiments ng Science. At hanggang ngayon naaalala ko pa na minsan sa buhay ko, pinangarap kong sundan ang yapak ng mga world-renowned scientists na nakikita ko lng sa mga textbooks at encyclopedia noon – sila Curie, Einstein, Newton, Galileo at silang mga others na kung tawagin ay mamaw sa larangan ng agham. Hindi ko sigurado kung mararanasan kung maging isang siyentipiko kahit mnsan sa buhay ko, pero masarap na alalahanin na pinangarap kong maging alagad ng agham, at habang buhay kong  ipagmamalaki kahit kanino, hanggang sa mga mga kaapu-apuhan ko, ang mga 98 at 1.00 sa mga science subjects sa report cards at transcript of record ko  (haha, ang yabang!).

~.~

Minsan sa buhay ko (at kahit hanggang ngayon) pinangarap ko ring maging isang writer. Kapag lumaki kang kasa kasama ang sandamakmak na libro, imposibleng hindi mo makilala at hindi maging idol ng buhay mo ang mga pinakamalulufhet na writers ng mundo, na kahit matagal ng kinain ng lupa ang mga katawan ay patuloy pa ring binababasa ng mga bata at matatanda. At mas lalo sa panahon ngayon na kung sinu-sinung mga writers na ang lumalabas kung saan saan, mahirap bilanggin kung gaano kadami na ang mga manunulat na nakakapagiwan ng kani-kanilang inspirational stories at pananaw sa buhay at sa mundo. Pero sa kanilang lahat, hindi ko maaring makalimutan ang mga salita, aral at kwento na napulot ko kila Edgar Allan Poe, J.K. Rowling, Charles Dickens, Bob Ong, Paulo Coelho, Nicholas Sparks, John Grisham at Dan Brown.

Writing is a form of free expression. Para saken,  hindi importante kung gaano kahusay ang writing skills mo, kung gaano kalalim ang vocabulary mo, kung gaano ka katinik sa grammar,  o kung ilang seminars at workshops sa Creative Writing ang nakuha mo. At mas lalong hindi ganun kahalaga kung gaano karami ang maiimpluwensyahan ng mga sinulat mo. Hanggat nagagawa mong sabihin ang nasasaloob mo sa pagagamitan ng pagsusulat, pwede mo nang tawagin ang sarili mong isang writer, at mangarap na balang araw, kahit papano, na mababasa ng mas maraming tao ang kung anu man ang tumatakbo sa loob ng utak mo. :D

~.~

Kasama sa mga pangarap ko nung bata ang maging isang anime character. Haha! Nakakatawa pero sigurado ako na majority sa mga tao ang nangarap na maging katulad ng mga favorite anime o video game character nila, kahit saglit lang sa tanang buhay nila. Hindi ko matandaan kung sinu sinu ang mga pinangarap kong maging katulad noon, pero kung nakapulot siguro ako ng magic lamp at nagkaron ng three wishes dati, malamang nasabi ko sa Genie ang lines na katulad neto:

“Genie, gawin mo kong si Son Goku!”

At biglang lumaki ang mga muscles ko, tumayo ang mga buhok ko, at ako ay naging isang Super Saiyan. haha!

~.~

Sa mundo ng mga pangarap, minsan rin akong naging isang musician. Minsan  ko ring pinangarap na matutong makahawak ng isang musical instrument, pero dahil sossy at elite ang tingin ko sa sarili, hindi basta basta drums or guitars ang pinangarap kong matutunang gamitin, kundi Harp, piano o kaya violin. LOL.

Sa ganang akin, isa ang musika sa mga pinakamabisang paraan ng pagpapahayag ng sarili. Kaya nga karamihan sa mga sikat na artists at songwriters ay nagtagumpay sa industriya ng musika dahil meron silang pinaghuhugutan ng malalalalim na emosyon, na kalimitan ay galing sa sarili nilang karanasan sa buhay.

Hindi nakakapagtataka kung bakit ganun ka-powerful ang pagkanta ni Beyonce sa If I Were A Boy, kung bakit maalamat ang Eraserheads, at kung bakit laging laman ng balita si Eminem dahil sa lyrics ng kanyang mga kanta.

~.~

Mistulang nakapinta sa canvas ng mga pambata kong pangarap ang pagnanais kong maging isang propesyonal sa larangan ng pagguhit. Kahit kadalasang napapagalitan dahil sa nagaaksaya lang ‘daw’ ng tinta ng ballpen at ng mga malilinis na papel noon, pinagpatuloy ko pa rin ang natural na kagustuhan kong ipahayag ang nilalaman ng isip at damdamin sa pamamagitan ng mga pinaghalong linya, kurba, at kulay hanggang college.

Marami sa mga ‘masterpieces’ ko ay marahil inubos na ng mga anay sa bahay, pero hindi kayang ubusin ng panahon ang pagmamahal ko para sa sining ng pagguhit, at kung mabibigyan lamang ng tamang pagkakataon, handa akong maging isang “renewed artist” , o kung anu man ang tawag mo dun. haha ~_~

~.~

Ewan ko kung anu ang pumasok sa isip ko pero minsan binalak kong mag-aral ng Law. Siguro sa kakabasa ko ng mga libro ni John Grisham at sa pag-uudyok ng makulit na professor ko sa Eco (na sobrang bilib ata sken, idol ata ako haha) sumagi sa isipan ko na sumabak sa Law School. Nagresearch ako kahit papano, pero narealize ko ren kagad na hindi para saken ang propesyon na yun. Hindi ako masipag mag-aral,  at ayokong masayang ang oras at pera ng mga nagpapaaral saken para sa mga bagay na hindi ko nman talaga kailangan. Magaling lang ako makipagtalo at makipagargumento sa mga kung anu-anong issues at kadramahan ng mundo, pero ang maging isang lawyer, ay nasa dulo pa talaga ng priority list ko.

~.~

Pangarap kong maging isang Teacher. Isa talaga ang pagtuturo sa mga bagay na inaasam kong gawin, at hindi ako papayag na mabura sa mundo hanggat hindi ko natutupad ang pangarap na ‘to. Lumaki akong batid ang kahalagahan ng edukasyon sa sibilisasyon ng tao, at dakila ang tingin ko sa mga teachers na sa kabila ng mababang compensation at kakulangan ng benefits , ay nananatili pa ring tapat sa propesyon ng pagtuturo. Kung tutuusin, sapat ang units ng Education sa TOR ko para pumasok sa academe. At marami talaga sa mga nakakakilala sken ang nagpapapansin (haha!) at tumatawag skin ng Sir *insert my real surname here*! Pero sa tingin ko, hindi pa ito ang tamang oras para sa mga bagay na yan . Marami pa kong dapat matutunan, at darating din nmn tayo jan.

~.~

Kung itatanong mo sakin kung pinangarap kong maging isang Game Master, magiging kalokohan naman yata kung sasabihin kung hindi. Pero hindi ko ren talaga masyadong matandaan kung anung klaseng pag-aambisyon ba ang ginawa ko noon, pero sure akong hindi naman ako nagpaka-OA para magsimba sa Quiapo araw-araw at magdasal sa kung kani-kaninong santo para lang makapasok sa e-Games GM Team. Ang meron lang sakin noon ay lakas ng loob, at yung drive na subukang pasukin ang isang bagay na alam ko sa sarili kong gusto ko talagang gawin. Kaya dala dala lang ang experience sa paglalaro ng sandamukal na online games, at ang kakaunting information na nakalap ko kakaserch sa intarnet, nag-apply ako at sumabak sa intarbyu , at kahit tensyonado dahil first job interview yun, pero dahil sa tulong ng araw-araw na pagsisimba sa simbahan ng Quiapo at sa awa ng mga sinu sinung santo na pinagdasalan ko, natanggap ako. hehe!

Sabi ni Carlo ( yes, may special mention sya dito! ) pangarap daw ng bawat online gamer ang maging isang GM. Ewan ko kung paniniwalaan ko yun. Siguro karamihan pa rin sa mga gamers ang nahihiwagaan sa misteryosong buhay ng GMs. Pero kahit pa sabihin mong nagtatrabaho ka isang gaming company, at ang pagfafacilitate ng events (o paglalaro) ay part ng job description mo, kailangan mo paring iwagayway ang bandila ng professionalism sa lahat ng oras na bitbit mo hindi lang ang pangalan mo, kundi pati ang kompanya na pinagtatrabahuhan mo . Dahil ang pagiging isang GM ay hindi isang laro, kung hindi isang trabaho, na dapat sinerseryoso. *insert emo effect here*

~.~

Kung susubukan mong balikan ang mga pangarap mo sa buhay simula ng bata ka pa, siguradong hindi lang isang klase ng daan ang pinangarap mong tahakin, at lalong hindi mo mapagkakasya sa isang statement lang, ang depinisyon ng tunay na kasiyahan sa buhay. Kanya-kanyang layunin sa buhay, kanya-kanyang ambisyon, kanya-kanyang trip. Pwede kang mangarap at gawin ang lahat ng makakaya mo para maabot yun, pero marerealize mo ren na hindi lahat ng ginusto mong maging at ginusto mong mangyari sa buhay mo ay dapat at kailangang mangyari. Merong mga ambisyon na hindi natutupad, at may mga pangarap na kelangang maglaho.

Pero libre lng nmn ang mangarap, at hindi ka sisingilin ng buhay para sa bawat pangarap na gagawin mo. Swerte mo kung nangyayari sa buhay mo ngayon kung anu man yung pinangarap mo dati,   pero matupad man o hindi ang mga pinangarap mo, ang mahalaga sa huli, naranasan mong maging tao, natuto kang mangarap at natuto kang tanggapin na hindi lahat ng mga pangarap ay nagiging totoo.

Mapangarap ang bata na nasa gitna. n_n

[Kahit kelan hindi ko pinangarap na maging isang doctor, nurse, politiko, bumbero, kartero, karpintero, barbero. At mas lalong hindi ko inambisyon na maging isang pokemon, maging isang Power Ranger, maging presidente ng United States, o maging isang international punk star.]

47 thoughts on “Nung Bata Pa Ko Ang Sabi Ko Sa Sarili Ko, “Magiging Scientist Ako!”…

  1. Desu Steph says:

    Haha. Pareho tayo ng gustong profession nung bata pa…gusto ko ren maging scientist noon…pero hindi ko alam. biglang nawala na lang yung interes ko sa science.

    Right now, ang pangarap ko lang, maging manunulat. Kaya ngayong high school lahat ng sinalihan ko may kinalaman sa pagsusulat XD. Pero…ayaw ng mga kapamilya ko sa course na kukunin ko sana (Journalism)…so I had to change my course of choice ng last minute. (Comp. Sci. na pinili ko XD baka mag-GM na rin ako. LOL.)

    Anyway…I just wanted to quote something from what you wrote.

    “Writing is a form of free expression. Para saken, hindi importante kung gaano kahusay ang writing skills mo, kung gaano kalalim ang vocabulary mo, kung gaano ka katinik sa grammar, o kung ilang seminars at workshops sa Creative Writing ang nakuha mo. At mas lalong hindi ganun kahalaga kung gaano karami ang maiimpluwensyahan ng mga sinulat mo. Hanggat nagagawa mong sabihin ang nasasaloob mo sa pagagamitan ng pagsusulat, pwede mo nang tawagin ang sarili mong isang writer, at mangarap na balang araw, kahit papano, na mababasa ng mas maraming tao ang kung anu man ang tumatakbo sa loob ng utak mo. :D

    This is so true. Pwede kong gawing panata sa buhay ko ‘yan. Hindi ko man napili ang gusto kong kurso…kaya ko pa rin naman magsulat (kahit hindi ako magaling XD)

    Haha. *ang haba ~_~..pasensiya na..*

    Nice entry you have here…very inspirational..*yihee. lol.*

    Have a nice day :) …ahaha

  2. igotrice says:

    “Keep away from those who try to belittle your ambitions. Small people always do that, but the really great make you believe that you too can become great.”

    -Mark Twain

    At hindi ko alam bakit ko pinaste ‘yang quote na ‘yan. Nagbabakasakali lang ako magmukhang matalino.

    Walang kwenta o masama man akong tao, kahit kailan eh hindi ko minaliit ang ambisyon nino man. Kahit gaano pa man ito ka-abnormal. Siguro kaya malaki ang respeto at paghanga ko sa mga taong may pangarap, eh dahil alam ko kung gaano kadali ang bitawan ang mga ito at sumuko na lang. Kaya kung anuman ang tunay na gusto mo (camera man ni Paris Hilton, bagong host ng Jeopardy, maging Carebear, etc), ipagpatuloy mo lang ang pagsisikap. Hindi man matupad, hindi mo dadanasin ang magtaka at mag-isip habambuhay kung ano kaya ang kinahinatnan ng buhay mo kung hindi ka lang sana natakot sumubok.

    ‘Di ba, idol?

  3. sorbetera says:

    Inambisyon ko kaya maging Power Ranger. Yung yellow. :(

    Hindi ko rin maintindihan ang uhh.. fascination ng mga players sa GMs. Para sakin normal na tao lang rin naman kayo na nagtatrabaho just like everyone else. (naknamputcha ang hirap magtagalog ah. XD)

    Ako pangarap ko na dati pa maging writer. Simula bata. Simula noong grade 4 ata ako nun nung una kong nabasa si Stephen King. Gusto ko maging manunulat. Kahit saan ako isalpak basta mabigyan ako ng pagkakataon na isalin sa salita ang mga ideya ko at ng mga ibang tao, masayang masaya na ako. :D

    Nakakatuwa tingnan na may mga tao pa talaga na sinusunod ang mga pangarap nila at hindi nagpapadala sa uso o sa pera.

    I have always believed that if you’re really, really good in what you do, no matter what it is, you’d be able to get loads of money for it. It’s about doing good in what you do. You can force yourself to be in a lucrative industry, but if you suck at it and you’re not happy, you won’t get anywhere. Right? :D

  4. [spam hunter] says:

    Teka Teka, Bata ka panaman di ba…

    XD

    Speaking about “maging writer”, hahahaha
    salamat sa kanila, may natutunan tayong aral.

    pero huh, nice blog, may poso este puso yung mga nasusulat..

    kala kasi minsan ng mga gamers, mga robot or basta MALAKAS na CHAR lang ang mga GMs, hindi nila naiintindihan ang HIRAP ng totoong buhay kasi virtual minded sila, na kapag malakas ka ingame, immune ka na rin sa mga sakit ng salita at suntok ng maalat na pananalita….

    ang tamaan na bastos edi sapul..

    I love this part
    “kailangan mo paring iwagayway ang bandila ng professionalism sa lahat ng oras na bitbit mo hindi lang ang pangalan mo”

    pero hindi ako nakakita ng bandila..
    puro GM jacket lang eh…

    XD

    eto pa, eto pa

    [Grp Msg] First Blog Entry Written in Filipino >

    “I have always believed that if you’re really, really good in what you do, no matter what it is, you’d be able to get loads of money for it. It’s about doing good in what you do. You can force yourself to be in a lucrative industry, but if you suck at it and you’re not happy, you won’t get anywhere. Right? :D

    sorry sa requotes,
    natutuwa lang ako kasi we gamers gets know the GMs inside +9 armors.

  5. FM Prier says:

    lolz kuya vinse… ako nga nung bata ako lam ko lang na profession doctor, teacher, lawyer at singer paikot ikot lng dun pagtinatanong ako kung ano gusto ko maging dati ahaha. Anyways, ngayon medyo malabo kung san ako dadalhin pero sure under graphics or events management din ako (hala parang may kutob na ahaha).. Go lang kuya vinse basta happy ka sa work mo, no regrets diba? Not all childhood ambitions natutupad naman talaga

  6. carloo-bytez says:

    wew. e ang pogi ko^^ hahaha jk.

    hmm. namention pa ko d2 boss a.

    sabagay.. :D bsta ako. pangarap kong maging panget. sawa na ko sa pagiging pogi e.

    haha joke..

    nice job boss :D

    idol tlga kta^^

  7. GM Raven says:

    Haha Akalain mo nga nmn yun, may mga nakapagtyagang magbasa ng mahabang blog entry na to. Haha!

    @Desu Steph
    Haha, haba ng reply.Nakakuha pa ng panata sa buhay, lols.

    @Igotrice
    Ganda den yang quote na yan ni Mark Twain. idol ko den yan eh. :D

    @Sorbetera
    Si Yellow Ranger ba? Haha!
    Hindi ko maxadong trip si Stephen King eh, hehe
    Haha, tama, dapat ineenjoy ang kabataan, next time na ang pagpapayaman, harhar

    @Azula
    Haha, naghahanap pa ng bandila, lols.

    @Prier
    Uu, kasi at the end of the day, isa lng nmn ang dapat mong tinanong sa sarili mo:

    Masaya ba tlg ako sa ginagawa ko? :D

    @Carlo
    haha, thanks!

    Salamat sa lahat ng comments! Di nasayang yung pagpupuyat hanggang 4 am kakasulat at kakaedit ng post na to!

    Sarap magsulat sa Filipino :D

    Have a great day!

  8. downa4u2envy says:

    dahil msydong mabagal mag copy ng files ung pc q sige mag cocomment aq….

    pamilyar ka ba sa law of attraction? un lng sagot dyan…hndi
    nmn nabuo ang pangrap para pangarapin nlng habang buhay..halos
    lahat ng malulufit na bagay na makikita
    mo sa mundo lahat un may plano…bago tau gwn plinano dn un ng dyos…nangrap dn sya ng maiksing panahon bago nag karoon ng

    MUNDO n may mga tao…isa ka na dun :) ) ung PANGARAP nag sisilbing plano un ng isang malaking tagumpay…mapupunta sau
    ang isang bagay qng talagang ginusto mo at gnwa mo lahat pwa makuha un..kapag hndi mo nakuha un ibig sbhn hndi para sau un,,,

    mali sabhing PANGARAPIN mo nlng ung bagay n un dhl hndi mo nakuha
    ibig sbhn lng nun ay LABIS ang hinihingi mo at maaring mas may magnda pang plano sau ung dyos.. kaya maling tumigil mangrap..

    @@@@

    tungkol sa pagiging GM..may mga tao na nging GM dhl gs2 nila un, meron nmn nagkataon na trabaho lng para namn maiba (gaya q ^_^V) kht anu pa man reason mo qng bakit ka naging GM (tama ung sinbi mo) hndi dapat nawawala ang propesyonalismo mo. kht ganu pa ka
    walang pinag aralan ung mga tao sa paligid mo dapat hndi mawawala un…dahil hndi lng nmn pangalan mo ang dindala mo sa bawat oras na makikipag interaksyon k sa mga tao e ..dala mo lahat ng mga asal na tinuro sau ..edukason galing sa paaralan na pinag mulan mo at higit sa lahat ay ung uri ng pagpapalaki sau ng mga magulang mo…

    @@@@
    sa lahat ng sinabi mo… masasabi q pading maswerte ka dahl nasau lahat ng panahaon at desisyon qng anu plano mo sa buhay mo…dun
    palang lamang ka na..d mo kagaya ung ibang tao na sumusunud lng sa aninu ng iba at qng anu gus2 ng mga tao sa paligid
    nila…tama yan idolohin mo ung mga taong sa palagay mo nkakahigit sayu pwo payo lng…mas masarap pakiramdam qng ang
    isang bagay ay orihinal n sau at ikaw lng meron nun wala na iba
    :) ))…osha nasa baba na sundo q… joke lng yan mga sinbi q wahhaha emo emo sapiens amf :) ) geh kiotskite :D

    PS: maglaro kau ng ran pwa matupad pangrap nyu :) ) naging cumlaude aq sa ust dhl sa ran at proud aq dun :) ) mabuhay ang ran online :) )

  9. GM Raven says:

    @donna
    Haha. Tenchu sa uber-habang reply na akala mo ay isang blog entry na rin. Nakanang! haha!

    Yes, hindi ako maxadong nakakarinig ng mga taong nagiging cum laude dahil sa paglalaro ng online games. harhar

    Thanks ulit, Oye muna :D

  10. Tracy18 says:

    Waaaa… ang drama ni GM Raven amf!!… Malamang after 3 years Product manager ka na ng isang MMORPG online game ng Egames.. hahahha..

    Halata na gusto mo maging isang anime.. kamukha mo si gohan eh.. wehehehe… tayo tayo buhok.. ^^

    ako pangarap ko rin maging GM kc pwedeng maglaro ng edited character…astig ang mga gamit na item… kahit sinong high lvl pwede PK… hehehe ^^

  11. GM Raven says:

    Haha, si Sir Calvin tlg!

    Sige pde na si Gohan, haha!

    Thanks sa comment! :D

  12. carlooo-bytez says:

    Mas malakas si Eugene haha

  13. ExcEsc says:

    Idol na tlga kita Master Raven, malapit kna sa Gamers, dedicated kpa sa trabaho mo… ^_^
    Keep Up the Good Work papa…^_^

  14. Desu Steph says:

    Ohohoho~

    Pag may cosplay, invite mo kami…

    Bihis ka as gohan xDD

    Tas lagay ko yung pics sa hall of shame >:D

    LOL. Kidding.

    Hahaha. Kaya pala hanggang madaling araw ka online XD *lol. feeling close ~_~*

    Anyway. I would also agree na hindi nasayang yung pagpupuyat at pagod mo…

    You inspired a lot of people, including me..

    Naalala ko nga bigla yung mga nakakabaliw kong pangarap dati XD *I wanted to be like Michael Jackson..err..i was about 3-5 nun..I didn’t know about his ‘issues’ yet. XD*

    O_O..ang haba nanamaaaaan ~_~…nako…sige na nga.. TTFN :D

  15. precious says:

    sus sino kaya ang mdaming alam satin noh!!ayus pala eh paramihan na lang ng alam pala labanan dito eh haha papadami nga aku.!

  16. wanamari says:

    nice GM Raven.^^

  17. `Logic says:

    haha ako rin nung bata ako gusto ko rin maging scientist kaso nawalan ako ng gana kasi as i grow up pahirap din ng pahirap ang science hahaha! while i am reading this article i remember my childhood days nung araw araw pinapangarap kong maging si ash ketchum at hulihin ang lahat ng pokemon hahaha! at walang ginawa kung hindi maglaro ng bust a groove maghapon hahaha! lahat naman tayo may mga weird na pangarap nung bata pa tayo!sarap kaya maging bata haha lol!

  18. kamkam_lei_jr says:

    idol na kiTA RAVen!!!,,, hehe yan din pangarap ko nung bata ako e….
    malapit lapit sa ganyan…
    nka pag emote ka ng malupet ha,, hehe…

    minsan ko lang pinangarap maging scientist….
    tapos nung isang araw iba na let pangarap ko…
    maging magsasabong naman… mas mabilis dun ang pera e…

    paki kamusta naman ako ke cm HAnYA,,
    may nagmamahal sa kanya d2 sa lipa ^^,
    HEhe… amethy pla Ha…kala ko naman phryzea,,, issue na.. hHAha

    tapos nung event lang sa lipa…. iba na ulet pangarap ko… makita ulet si hanYA oYE… HAha

  19. kristeli says:

    haahh! mhirap mging Pokemon Gm Raven ehhe^^,
    Lahat tayo may pangarap. Sa kalagitnaan ng iyong pgiging GM, isa ka nang artista para sa amin ^^

  20. coldiehotty says:

    Yeah GM Raven , Kriszteli Is Right n_n

    Also , I Like Your Pics When You Are Child … =)

    Nice Blog Too …

  21. ~F~Mr-KirA~ says:

    sapul ako GM parang eye opener saakin yang blogs mo
    lalo na sa part na to
    “Kung susubukan mong balikan ang mga pangarap mo sa buhay simula ng bata ka pa, siguradong hindi lang isang klase ng daan ang pinangarap mong tahakin, at lalong hindi mo mapagkakasya sa isang statement lang, ang depinisyon ng tunay na kasiyahan sa buhay. Kanya-kanyang layunin sa buhay, kanya-kanyang ambisyon, kanya-kanyang trip. Pwede kang mangarap at gawin ang lahat ng makakaya mo para maabot yun, pero marerealize mo ren na hindi lahat ng ginusto mong maging at ginusto mong mangyari sa buhay mo ay dapat at kailangang mangyari. Merong mga ambisyon na hindi natutupad, at may mga pangarap na kelangang maglaho.”

    nakakainpired ^^ nc entry

  22. jaja(: says:

    wao. nice kuya vincent (hihi)
    ayan na kuya. d2 na q mag ccomment:P
    ano bang ssbhin q. nsbe na nung mga nsa taas ung dpat kong sbhin-_-
    haha. nka2aaliw:)
    ang lakas ng hangin hbang bnbsa q ung blog^O^V peace
    HAHAHA.
    “habang buhay kong ipagmamalaki kahit kanino, hanggang sa mga mga kaapu-apuhan ko, ang mga 98 at 1.00 sa mga science subjects sa report cards at transcript of record ko”
    “Minsan ko ring pinangarap na matutong makahawak ng isang musical instrument, pero dahil sossy at elite ang tingin ko sa sarili, hindi basta basta drums or guitars ang pinangarap kong matutunang gamitin, kundi Harp, piano o kaya violin.”
    “Sa pag-uudyok ng makulit na professor ko sa Eco (na sobrang bilib ata sken, idol ata ako haha) sumagi sa isipan ko na sumabak sa Law School”
    “Kung tutuusin, sapat ang units ng Education sa TOR ko para pumasok sa academe. At marami talaga sa mga nakakakilala sken ang nagpapapansin (haha!) at tumatawag skin ng Sir *insert my real surname here*!”
    tas biglang naging serious ung dating..
    “Kung susubukan mong balikan ang mga pangarap mo sa buhay simula ng bata ka pa, siguradong hindi lang isang klase ng daan ang pinangarap mong tahakin, at lalong hindi mo mapagkakasya sa isang statement lang, ang depinisyon ng tunay na kasiyahan sa buhay. Kanya-kanyang layunin sa buhay, kanya-kanyang ambisyon, kanya-kanyang trip. Pwede kang mangarap at gawin ang lahat ng makakaya mo para maabot yun, pero marerealize mo ren na hindi lahat ng ginusto mong maging at ginusto mong mangyari sa buhay mo ay dapat at kailangang mangyari. Merong mga ambisyon na hindi natutupad, at may mga pangarap na kelangang maglaho.”
    ^:)^ all hail GM Raven. steeg :D
    galing2. very inspiring. ;)
    its nice to know na may mga guys pdn pla na derecho magisip.
    HAHA. rare nlang species nyo kuya.
    takecare ^O^ hahaha:)

  23. KumikoMai says:

    Nice one GM Raven. :D

    “You can reach your dreams if you eagerly willing to do anything and never give up”

    -mai :D

  24. MangBerting says:

    about sa mga pangarap mo sa buhay ba yan sir Raven? na iintriga tuloy ako kasi grabe ang IQ mo, flat 1 and 98.. whoooaa!! grabeness sir, sa tingin ko kung naging writter ka im sure sikat ka na din, after ko kasi basahin yung mga pinagsasabi mo ee parang na iisip ko parin hanggang sa mga oras na to yung pinaka ibig mong sabihin. di man ako kasi talino mo sir or ka level mo pagdating sa studies, im sure nagkakaparehas tayo sa isang adhikain! lol, alam mo sir Vincent kung anu yun? simple lang maging katulad ni Son Gokou!! lol

  25. GM Raven says:

    Hahaha! Basagulero ako sa school kht mataas mga grades ko haha!
    Ahuh! Ikaw na lng si Mr. Satan/Mr Pogi haha, ako si Son Goku eh :D

  26. MangBerting says:

    asa!! mas bagay sayo maging chupul sir!! lol .. basagolero ka pala sir? ako makikita mo nalang sa katawan ko kung anung klaseng tao ako.. katawan talaga ni Son Goku ee!

  27. JeffreyUreta says:

    nice blog sir, isa ka po sa mga idol GM ko dito sa e-games. I hope na minsan maglaro ka din ng audition!! ahaha!!

  28. glaiza says:

    ako gusto ko tumalino kasi lagi akong talunan

  29. lexy says:

    shet! kaka inspired basahin! >.< idol na tlga kita Gm raven.. isa kang henyo..
    ikaw na c sakuragi! hahahaha… pa semis ka den pulang buhok :) )
    pero lahat ng sinabe mo may meaning.. ako rin po nung bata ako, ang alam ko lang pangarapin ay maging isang doctor at maging abogado,, kase un po madalas dabihin ng mga magulang ko ^__^… den nung napanood ko na ung sineskwela gusto ko na rin maging scientist hahaha.. pero habang lumalaki ako pa iba iba mga pangarap ko… parang ikaw.. madaming pangrap sa buhay.. PERO promise! sarap basahin! hahaha… IDOL!

  30. GM Raven says:

    @lexy
    palibhasa sa filipino ko sinulat. kung english yan siguro di mo yan binasa! haha

  31. bellina says:

    hindi lang mahirap magsulat sa filipino, mahirap din magbasa. hehehe pero naaliw ako.
    fave entry ko na to from your posts :D

    what about Stephinie Meyer? hindi mo sya like? lol

    you made me think and brought back to my long lost dream of becoming a lawyer-taga pagtanggol sa mga naapi, bow!

    Sa dami dami ng gusto kong “maging” nung bata pa ako (bata pa din naman ako now :p)I thought I am the most fickle minded person alive, reading your post made me conclude that I am just but a normal being. lol

  32. GM Raven says:

    @Stephenie Meyer
    OK lng, twilight pa lng nababasa ko sa kanya. and im not that impressed with the way she wrote it.

  33. bellina says:

    I haven’t read a single novel of Meyer either, someone from the game asked me to read New Moon but I kept on procrastinating :p naging talk of the Nevareth kasi yung twilight minsan…hehehe

    Anyway, keep it up! I love reading your simple yet entertaining entries. Lovelife mo naman kwento mo minsan :D harkhark!!! /slap bellina

    Btw, I’ve recently found a good Filipino writer (BO SANCHEZ), he dealt more on the Spiritual side of life. I’m only an average Christian and admittedly I am somewhat enthralled with his writings baka trip mo lang e-try. :D I think he is the antidote of Dan Brown :p

  34. GM Raven says:

    haha. Me lovelife ish fryv8! :)

    May nabasa na ko kay Bo Sanchez, forgot what book that was. Pero di ako maxadong spiritual na tao eh. Im a non-practicing Roman Catholic :)

  35. dbest to hahaha nawala antok ko nung binasa ko eh… ganun din ako nung bata pinangarap ko maging si goku… :) ) pede ka na maging isang writer

    pero bilib ako dito

    “ipagmamalaki kahit kanino, hanggang sa mga mga kaapu-apuhan ko, ang mga 98 at 1.00 sa mga science subjects sa report cards at transcript of record ko ”

    hahahaha tama rin ung sinabi ni jaja

    “Pwede kang mangarap at gawin ang lahat ng makakaya mo para maabot yun, pero marerealize mo ren na hindi lahat ng ginusto mong maging at ginusto mong mangyari sa buhay mo ay dapat at kailangang mangyari.”

    kaya keep it up… malayo pa mararating mo eheheh

    hindi ko makakalimutan tong pinost mo na to

    “Hindi nakakapagtataka kung bakit ganun ka-powerful ang pagkanta ni Beyonce sa If I Were A Boy, kung bakit maalamat ang Eraserheads, at kung bakit laging laman ng balita si Eminem dahil sa lyrics ng kanyang mga kanta.”

    pde ka na sumali sa grupo ng BobOng Pinoy.

    sige hanggang dito na lang ehehe isa ka na sa magagaling na writer para sakin.. iDoL!!!~ ^^,

    Jhay/Pentoy a.k.a imaJHAYnation

  36. GM Raven says:

    @Jhay
    Thanks po sa pagbasa at pag-iwan ng reply :P

  37. GM Love says:

    alam m minsan nkakarelate din ako sau.. mas masarap k ytang kausap s blog ^_^ miss u..

  38. arfarf says:

    hahahaha idol na talga kta … thank you ha kase nung masama nug araw ko e napatawa mu ko.. and shinare mu sakin ito.. hehehe hmmmn lalu tuloy ako ginanahan mag aral nito.. wahahha baka mag enroll na ako next week.. maging GM.. joke ^_^ hehe ang cute mu sa pic ha.. hehe seriously, talagang nakaka inspire to ha.. na iiyak na nga ako oh.. tutulo na luha ko.. T_T hmmmn para syo edukasyon sagot sa buhay.. tama yun.. kaya ka nag tapos at nag work kagad.. sana ako rin ganun…. mga 10 years graduate na ako .. joke sana kaya ko gumawa ng ganito tapos papakita ko sa mga frens ko.. hehehe (hakot chix to ah).. anyways, kita kits nlng sa game.. pm pm ^_^ make ingatz idoL fren.. hehe

  39. SinGLeLaDieS17 says:

    1st i was saw u in geb in robinson nkita ko na interesting kang tao gm raven,:-)
    not only bec. u’r my idol ha^^, lalo pa cguro kung kilalang kila k nmin db? bata ka pa pero na achieve mo n ung goal mo…u deserve it nmn kung ano meron ka ngayon.may npulot ako sa mga sinabi mo at tama ka, msrap mngarap at msrap mkmit ang pangarap kung mgsisikap kng abutin un, kaka2wa ung life mo at mga ambisyon mo! khit cno maiinspired sa k2lad mo… for me u’r the best….. :-)
    ingat lagi

  40. GM Raven says:

    @ GM Love

    Gaya gaya ka kasi sken. Haha! LOLz @ mas masarap ka ata kausap sa blog

    @ Arfie

    Minsan mahirap mkita ung mga bagay na talagang magpapasaya sayo, pero ayos lng yan, haha rami pa nmn chances para maachieve ang goals and dreams. =P

  41. Bj says:

    At 1st i thought this is an “Emo” blog, But when you started reading it, it got sense.
    Wherein the writer is expressing or sharing he’s dream’s and achievements in life to us.

    Sharing this kind of blog, reminds us, Our dreams in life!
    Dreams that can be happened in Real, and in Fictions….

    Telling us that dreams/goals in life can be achieve when you want to; but not that easy to achieve it.

    Sacrifes, Hardworking, Prayers, Luck May do!

    Thank you for sharing this kind of blog!

    All of us has A Freedom to Dream!!

  42. pacquit0 says:

    ang haba naman ng kwento mo GM Raven nabasa ko lahat. Compile natin tapos gawa tayong libro? ang title eto:

    Bakit Baliktad Magbasa si pacquit0? o kaya?
    Ang Paboritong Aklat ni pacquit0??

    bebenta kaya tayo nyan? hehe..

    ran online player
    IGN: pacquit0
    Class: Dex Type Brawler
    Server: Strife

  43. pacquit0 says:

    nung bata pa ako wala akong pangarap.. kaya siguro ngayon naging engineer na ko.. narinig ko lang sa kuya ko yun tinanong sya nung graduation nila nung grade six sabi nung teacher nya ata yun pag kakuha nya ng diploma dun sabi sa kanya “Anung Gusto Mo Paglaki Mo?” ang sagot nya “Gusto kong maging Engineer!!” yun yung naalala ko natanung ko sa sarili ko nung bata pa ako.. anu ba yung “Engineer?” ngayon alam ko na..

  44. GM Raven says:

    @pacquit0
    Wao. Buti po napadaan ka sa blog ko? Thank sa pagbasa. :)

  45. Brenthy a.k.a. -Jang-Geum- says:

    Ang cute aman ng buhay mo ^_^
    sana ako din maging Game Master ^_^V

  46. Brenthy a.k.a. -Jang-Geum- says:

    teka ako ba ung carlo na un???
    carlo din name ko wahahaha!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.